Proporsiyon ng katawan

Ang mga kasukatan o proporsiyon ng katawan ng tao ay nagbabago habang tumatanda.
Ang Madonna na may Mahabang Leeg, ni Parmigianino. Katulad ng sa ibang mga gawa ng Manerista, ang mga proporsiyon ng katawan - ang leeg dito - ay pinalabis para sa epektong pangsining.

Habang may makabuluhang pagkakaiba-iba sa mga kasukatan o mga proporsiyong pang-anatomiya sa pagitan ng mga tao, maraming mga pagtukoy sa mga proporsiyon, kasukatan, kabagayan ng sukat, pagkakatapat ng sukat, katapatan ng sukat, pagtatapat ng sukat, o katimbangan ng sukat ng katawan na nilalayong maging kanonikal sa sining, sa pagsusukat o pagtatakal, o sa medisina.

Sa pagsusukat, ang mga proporsiyon ng katawan ay madalas na ginagamit upang pag-ugnayin ang dalawa o marami pang mga sukat batay sa katawan. Ang kubito, halimbawa na, ay nararapat na may anim na mga palad. Habang maginhawa o kumbinyente, ang mga tumbasan o rasyo ay maaaring hindi magpaaninag ng baryasyong o kaibahang pisyognomiko ng mga indibidwal na gumagamit ng mga ito.

Kahalintulad din, sa sining, ang mga proporsiyon ng katawan ay ang pag-aaral ng ugnayan o relasyon ng mga bahagi ng katawan ng tao at ng hayop sa isa't isa at sa kabuuan. Ang mga tumbasang ito ay ginagamit sa beristikong depiksiyon o paglalarawan ng pigura, at nagiging bahagi rin ng isang estetikong kanon sa loob ng isang kultura.


© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search